Manggagamot

Halika,

Hayaan mong pag-aralan ko ang iyong katawan

Hayaang usisain ko ang iyong mga laman

Ipapasok ang daliri sa bukana ng iyong kaloob-looban

Marahang dudulas – sa dugong dumadaloy sa tanan

 

Makinig kang mabuti at tuturuan kitang magmahal

Pakinggan tibok ng puso mong nakagigimbal

Bumibilis, rumarahas, nakapagpapagal

Hayaan mong patirin ko nang di na magtagal

 

Huwag nang lumingon pa’t titigan mo ko sa mata

Pagmasdang mabuti ang mga lente at kornea

Walang tigil sa pagtirik ang balintataw sa gitna

Huminga ng malalim at sa duktor huwag magduda

 

Hanggang sa’yong balika’t tuhod, leeg at mga labi

Hahawakan isa-isa, bawat parte sasaliksiking maigi

Pati ang iyong binti, hita, isama nang bawat daliri

Nag-iinit ang iyong balat, nakapapaso sa hapdi

 

Halika,

Talakayin natin ang anatomiya ng isa’t isa

Ikalkula natin ang maliit na distansyang pumapagitan sa’ting dalawa

Maghuntayan tayo ukol sa diskurso nang ating mga anyong marahas

Obserbahing mabuti ang mga kemikal na sa’tin lumalabas

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.