Para sa dalagang nagtatago

Sa likod ng liwanag ng buwan

Huwag matatakot sa pagbabago

Huwag mailap sa walang hanggan

 

Ang mga bagay na iniwan

Dito sa daigdig mananatili

Ang pagdududa pakawalan

Magpahinga, maghunos-dili

 

Ang kalungkutan ay iwaksi

Ngunit malayang magdamdam

Pagkat bituin ang magiging saksi

Sa iyong pamamaalam

 

Huwag na huwag mangangamba

Sa likod ng liwanag ng buwan

Sapagkat sa araw naman nagmumula

Ang liwanag at ang kinabukasan

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.