What a Concept?

Tatlong bagay lang naman

Ang hindi ko maintindihan

Una ay ang sagot

Sa mahahabang palaisipan

Ikalawa ay ang galaw

Ng mga bituin at araw

Ikatlo ay ang kakaibang konseptong

Tinatawag na ikaw

Sa dinami-rami

Ng mga bagay

Na nalalaman

Ikaw lamang

Ang nakapagturo

Sa isipang ‘to

Na maging mangmang

Ikaw,

Tanging ikaw,

Ang tanging konsepto

Sa daigdig

Sa uniberso

At sa buong kalawakan

Na kailanman

Hindi ko maipaliliwanag

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.