Tubig – ito ang una nilang naramdaman. Di makakilos at namimigat ang mga mata, hindi mahinuha ng tatlo kung nasaan sila. Pilit nilang inalala kung sino sila at kung bakit sila naroroon. Ngunit, ang tanging nalalaman lamang nila’y madilim ang kanilang kinalalagyan at nakalubog sila sa tubig.
Unti-unting gumapang ang liwanag sa madilim nilang kinalalagiyan. Buhat ng matagal na pag-kakapikit, nasilaw sila sa matinding liwanag na bumati sa kanila. Naramdaman nila na mayroong mga kamay na humihila sa kanila paahon sa tubig. Habang nakapikit, pinakiramdaman ng tatlo ang malamig na hangin na dumarampi sa kanilang balat; kay tagal na ng huling pagkakataon na nakaramdam sila ng ganoon, kay tagal nang nananangis ng mga lunod nilang balat.
Makalipas ang ilang segundo, nasanay na rin ang mga mata nila sa liwanag. Sabay-sabay dumilat ang tatlo at bumungad sa kanilang harapan ang isang matandang lalaki, nakasuot ng uniporme at matipuno ang katawan. Nginitian sila ng lalaki at ito ay nagwika:
“Maligayang pag-gising sa inyong tatlo. Marahil nag-tataka kayo kung sino kayo at kung bakit kayo naririto. Ngunit wala kayong dapat ipangamba, hindi namin kayo sasaktan. Ipapaliwanag ko kung bakit kayo naririto at kung sino kayo isa-isa.”
Lumingon ang tatlo sa paligid, napansin nila na sila ay nasa loob ng isang napakalaking silid, puno ng mga kompyuter at taong nagmimistulang sundalo at siyentipiko. Nagkatitigan ang tatlo, at sa unang pagkakataon, nakita nila ang isa’t isa.
“Una sa lahat, ako ay magpapakilala” wika ng matipunong lalaki, “Tawagin ninyo akong Kapitan Roque. Ako ang kumandante ng isa sa pinaka malaki at pinaka makapangyarihang sasakiyang pangkalawakan ng ating lahi – ang Marina 32, kung saan kayo ay nakasakay ngayon. Itong ating sasakiyan, na ang laki ay katumbas ng limang karaniwang planeta, ay pinamamahayan ng sampung bilyong katao. Kumpleto ang loob nito sa mga tanimang pang-agrikultura, dagat at palaisdaan, mga hayop na makakain, mga kagubatan, kabundukan at mapagkukunan ng metal. Kumbaga sa madaling salita, nakasakay tayo sa isang gumagalaw na planeta na nilikha nating mga tao.
Kinakailangan nating dalhin ang lahat ng mga ito sapagkat tayo ay naglalakbay sa kalawakan. Hindi sasapat ang kaunting katao at kaunting makakain para sa haba ng ating paglalakbay. Kung kaya, kinakailangan nating mag-bitbit ng isang buong sibilisasyon para masustentuhan ang ating mga pangangailangan sa pagkain at lakas-tao. Kung may mamatay sa isa sa ating mga kasamahan, may siyamnapu’t siyam na bilyong katao ang handang pumalit sa kaniyang trabaho, na kung saan lahat ay sanay sa agham o sa pakikidigma.
Isa pa sa mga katangian nitong Marina 32, ang nagpapatakbo rito ay mga bituin. Sa pag-usad natin tungo sa ating pinupuntahan, umaani tayo ng mga bituin upang mapagkunan ng enerhiya. Kailangan natin ang ganito karaming enerhiya upang magamit ng mga taong nakatira rito at mapagalaw natin itong sasakiyan. Di katulad ng mga karaniwang sasakiyang pangkalawakan, ang Marina 32 ay hindi naglalakbay sa kalawakan; sa halip, ang kalawakan ang naglalakbay rito. Hindi sapat ang bilis ng liwanag upang mabilis tayong makarating sa iba’t ibang panig ng uniberso. Ang solusyon, sa pamamagitan ng ating kaalaman ukol sa grabidad, namamanipula na natin ang kalawakan mismo. Maaari na natin itong ikurba upang magsilbing panulak sa ating sasakiyan. Sa ganitong paraan, hindi na tayo nalilimitahan sa bilis ng liwanag, sapagkat ang pinupuntahan natin ang siya nang lumalapit sa atin.”
“Paumanhin Kumandante,” tumindig ang lalaking nasa gitna ng tatlo “Ngayong naiintindihan na namin ang ating sinasakiyan, palagay ko’y oras na upang sabihin ninyo kung sino kami at kung bakit nagising kami rito.”
Ngumiti ang kapitan, “Marahil tama ka, Miguel. Ang lalaki sa iyong kaliwa ay si Felipe at ang babae sa iyong kanan ay si Juliana. Narito kayo sa Marina upang gampanan ang isang napaka halagang misyon. Mapapansin ninyong wala kayong maalala, ito ay sapagkat pinatulog namin kayo ng isang libong taon.”
Nagulat ang tatlo.
“Pinatulog namin kayo sa kadahilanang, sa sampung bilyong kataong naririto, kayong tatlo ang pinaka mahahalaga. Kapag namatay kayo bago pa man tayo makarating sa ating pupuntahan, masasayang lamang ang lahat ng ating mga pinaghirapan. Sa mga oras na ito, unti-unti pang naghihilom ang inyong mga katawan mula sa isang libong taong paghimlay, ito ang dahilan kung bakit wala kayong maalala. Ngunit hindi kayo dapat matakot, sapagkat maya-maya lamang, maaalala na ninyo ang inyong mga gampanin.”
“Saan ba tayo papunta at bakit tayo pupunta roon, Kapitan Roque?” tanong ng babaeng si Juliana.
Kumumpas ang kapitan, sa likuran niya lumabas ang hologram ng isang malaking “black hole”. “Dito tayo papunta” turo niya sa hologram, “Ang black hole na ito ay ang pinaka matanda sa buong uniberso, o marahil, base sa maselang obserbasyon, mas matanda pa sa buong kalawakan. Di tulad ng karaniwang black hole, hindi ito natutuyo sapagkat hindi ito nagpapakawala ng hawking radiation. Ibig sabihin nito, kahit ilang bilyong taon pa ang lumipas, hindi ito maglalaho tulad ng mga ordinaryong black hole.
Matagal na nating sinusubukang magpadala ng mga robot sa mga blackhole, upang mapag-aralan natin ang loob ng mga ito. Ngunit ang problema, sa oras na makapasok ang ating mga robot, hindi na sila nakalalabas pa; sa oras na masilip ng mga ito ang loob, wala ng impormasyong nakababalik sa atin. Pero, dapat nating tandaan, hindi natin alam kung nasira ba ang mga iyon o nakulong lamang sila sa loob. Kung hindi man sila nasira at nakulong lamang, at kung mayroon silang sapat na materyales at walang hanggang oras sa loob, posible silang makahanap ng paraan upang makalabas ng black hole. Subalit, wala pa tayong nagagawang robot na may kakayahang makapag-isip na kasing husay ng isang tao, kaya wala pa sa mga ito ang nakalalabas. Ngayon, dito kayo papasok.
Dala-dala natin ngayon sa Marina ang sapat na materyales at tao upang lumikha ng kahit na anumang bagay na nanaisin natin. Kung makapapasok tayo sa pupuntahan nating black hole at mabubuhay sa loob, gamit ang pinag-sama-samang talino ninyong tatlo at ang buong pwersa ng Marina, maka-iisip tayo ng paraan upang makalabas tayo muli. At kahit gaano pa tayo katagal manatili sa loob, hindi tayo mauubusan ng oras, sapagkat hindi naman maglalaho ang black hole na papasukin natin.”
“At hulaan ko” wika ni Miguel, ” kaya ninyo kami ginising ngayon sapagkat malapit na tayo makarating sa binabanggit mong blackhole?”
Ngumiti ang kapitan at tumango, “Osiya, maya-maya lamang maalala na ninyo tuluyan ang buong plano. Inayos na namin ang mga kwarto ninyo sa kung paano ninyo ito gusto. Ang bahaging ito ng Marina ay ang mag-sisilbi ninyong opisina at laboratoryo. Hahayaan ko na muna kayong mag-libot upang maka-alala na kayo ng maayos. Oras ko naman upang matulog ng isang daang taon.”
Umalis ang kapitan at nagpatuloy na sa trabaho ang mga siyentipiko at sundalo; naiwan ang tatlo sa piling ng isa’t isa.
“Kung matutulog ang kapitan ng isang daang taon, sino ang mamumuno rito sa Marina?” tanong ni Felipe sa mga kasama.
“Ako ang papalit sa kaniya…” sagot ni Miguel, “Naaalala ko na ang lahat. Ako ang inatasan upang maging komandante ng sasakiyang ito sa oras na ako ay magising.”
“At ikaw naman, Juliana? Naalala mo na ba kung ano ang tungkulin mo rito?” tanong ulit ni Felipe.
“Parang… Ngunit di ko pa matandaan ng maayos. Sa pagkaka-alala ko, dapat pumunta ako sa laboratoryo sa oras na magising ako.” sagot ni Juliana.
“At ako? Saan naman ako pupunta?” tanong ulit ng wala pa ring alaalang si Felipe.
Tinapik ni Miguel ang balikat ng naguguluhang kasama at mahinahong sinabi, “Isipin mong mabuti,
malalaman mo rin kung saan ka papunta.” Iniwan ni Miguel ang dalawa at tumungo sa kaniyang silid
upang magpahinga.
Tinignan ni Felipe si Juliana at napansing nakatulala lamang ito sa kawalan. “Juliana, anong nangyayari sa’yo?” tanong niya.
Sumimangot ang babae at tinitigan siya nito, “Marami pa pala akong kailangan gawin.” Nagkamot ito ng ulo. “Mauna na ako sayo, Felipe.” Umalis si Juliana at iniwan si Felipe mag-isa.
Hindi nalalaman ang gagawin, tumungo na lamang din si Felipe sa kaniyang silid. Pag-pasok niya sa kwarto, bumungad sa kaniya ang mga paborito niyang kagamitan. Agad niyang naalala kung sino siya at kung ano ang kaniyang mga nagawa. Humiga siya sa kama at napansin ang paborito niyang radyo na nakapatong sa lamesa. Kinuha niya ito at tinitigan.
“Parang kahapon lang, hawak-hawak din kita.”
Sa kabilang panig ng Marina, kasama ni Juliana ang isang dalagang siyentipiko. Sabay silang naglalakad sa laboratoryong maingay, puno ng mga kuryenteng kumikislap at mga nakaririnding sigaw.
“Ako po ay apo sa tuhod ng dati ninyong kanang kamay na si Niña, Ginang Juliana. Naatasan po akong pumalit sa kaniya, bilang mag-silbing katulong sa inyong mga gagawing eksperimento. Pinag-aralan ko po ang buong buhay ninyo, ang inyong mga gawi, at ang inyong mga naiambag sa industriya ng medisina.”
“Ang lola mong si Karla? Buhay pa ba siya?” tanong ni Juliana.
“Malakas pa po siya at nagtratrabaho sa Kuwadrante XII” sagot ng babae, “Malaki po akong tagahanga ng inyong mga gawa.” dagdag niya na may di matagong kagalakan.
“Naaalala ko pa, noong isang araw lamang bitbit pa siya ni Niña sa kaniyang mga braso. Nakatutuwang isipin na kausap ko ngayon ang apo niya makalipas ang isang libong taon.”
“Malaki po ang pasasalamat ng lola ko sa imbensyon ng inyong magulang, Ginang Juliana, sapagkat dahil doon malusog pa po siya at nakakapagtrabaho ng maayos.”
“Huwag ka magpasalamat sa magulang ko, sa halip lolo ko ang unang nakaisip ng paraan kung paano manupilahin ang ating mga telomere. Ang mga magulang ko lamang ang nagtuloy sa nasimulan niya. Sa pamamagitan ng pag-mamanipula sa mga telomere, hindi na nagkakamali sa pag-replika ang ating mga DNA, at sa gayon bumagal na ang ating pagtanda. Sa kasalukuyan ba, umaabot na sa anong edad ang karaniwang edad ng mga tao?”
“Limang daang taon po ang tinatagal ng ordinaryong tao sa ngayon.” sagot ng babae.
Ngumiti si Juliana, “Marami pa pala tayong kailangan gawin. Sige, mag-simula na tayo.” Tinulak niya ang isang malaking pinto.
Sa madilim na silid ni Miguel, suot ang kaniyang salamin, tahimik siyang nakaupo mag-isa sa lumulutang niyang upuan. Nakatitig lamang siya sa isang malaking bintana, minamatiyagan ang libo-libong bituin na unti-unti nilang nililisan. Inikot niya ang kinauupuan, at sa bintana sa likod niya ay kaniyang nakita ang kanilang pinupuntahan, isang nandidilim na kawalan.
“Doon kung saan itim ay nag-iisa ang lahat.” bulong niya sa sarili, “Binubuo ng lahat ng kaganapang posibleng maganap. Nandidilim sapagkat ni-liwanag ay hindi makalabas. Parang magkabilang dulo ng balani, pinagdurugtong ng batas.
Ngunit makatwiran bang tumuloy kung ang posibilidad ng kamatayan ay humihigit sa pagkakataong mabuhay. Makatarungan bang, sa sitwasyong ito, hayaan na lamang ang pananampalatayang magpakalma sa pusong di mapalagay. Ngunit, hindi tayo magiging tayo kung nagpatalo tayo sa takot at hindi nangahas mag-lakbay. Sabagay, sa anumang problemang kinaharap, palagi tayong nakahahanap ng paraan. At kaya naman ako’y nandirito…”
Lumingon siya sa bintanang nagliliwanag ng libo-libong bituin, “Upang mag-silbing gabay.”
Lumapit siya sa kaniyang higaan at sa ilalim ay mayroong dinukot. Tinitigan niya ito at siya ay ngumiti. “Marahil kilalang-kilala kami ng mga taong naririto.“
Tinago niya ang bagay sa kaniyang bulsa.
Sa kwarto ni Felipe ay mayroong kumatok. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang matipunong sundalo sa silid.
“Di naman kita ipinatawag.” wika ni Felipe.
“Inatasan po ako ni Kapitan Roque na puntahan kayo sa inyong silid, tatlumpung minuto makalipas ang inyong pag-gising.” wika ng sundalo.
“At ano ang iyong pakay rito?” tanong ni Felipe.
“Sundin po ang anumang ipagbibilin ninyo.”
Tinitigan ni Felipe ang lalaki at siya ay ngumiti, “Nakikilala mo ba ako? Alam mo ba ang aking mga nagawa?”
“Bago po kayo magising, kami po ay inutusang pag-aralan ang mga buhay ninyo. Kayo po ay si Felipe Cunanan, ang lumikha sa Radyong Kwantum. Sa pamamagitan po ng kaalaman ninyo sa quantum entanglement, nakagawa po kayo ng radyo na may kakayahang magpadala ng mensahe, sa isang iglap, sa anumang panig ng kalawakan, kahit pa sa magkabilang dulo nito.”
Ngumiti si Felipe, “Mahusay. Halika tabihan mo ako sa aking higaan.” Lumapit ang sundalo at siya ay tinabihan. Sumara ang pinto. “Ano pa ang nalalaman mo tungkol sa akin?”
Tinignan siya ng sundalo sa mata, “Mahilig raw kayong makipag-talik sa mga batang lalaki bago mag-simulang magtrabaho.” wika ng sundalo ng walang emosyon.
“At ilang taon ka na?”
“Labing-anim na taong gulang po.”
“Makatatanggi ka ba kung ayaw mo?”
“Hindi po.”
Ngumiti si Felipe, “Huwag ka mag-alala, hindi ikaw ang nauna.”
Sa laboratoryo, pinangungunahan ni Juliana ang pag-eeksperimento ng mga siyentipiko sa mga taong produkto ng “cloning”. Hindi nakakapag-salita ang mga taong ito, sapagkat binuhay lamang sila upang mag-silbing mga lamang mapag-aaralan. Wala silang karapatan sapagkat hindi sila tunay na tao, kahit pa nakadarama sila tulad ng isa.
“Uahhhh!” sigaw ng isang clone habang nakagapos sa isang lamesa.
“Anong nangyayari sa kaniya?” tanong ni Juliana.
“Nilalabanan po ng kaniyang katawan ang mga kemikal na ipinasok po namin sa mga ugat niya.” sagot ng isa sa mga duktor.
Umiling si Juliana. Nanginginig at nagwawala ang nakagapos na lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Juliana. Tinitigan siya nito habang umiiyak.
“Patayin na ninyo siya. Hindi na siya aabot.” utos ni Juliana, “Kumuha kayo ng panibagong katawan. Itapon na ninyo itong walang kwentang ito.”
Binuhat ng mga duktor at siyentipiko ang nanginginig na lalaki at itinapon siya katabi ng iba pang mga namatay nang eksperimento. Pinulot ang mga patay ng isang malaking makina at tinipon sa isang silid, kung saan ang kanilang mga nabubulok na katawan ay gagamitin muli sa iba pang mga eksperimento.
“Sige, ituloy lamang ninyo ang inyong mga gawain.” Utos ni Juliana sa laboratoryong puno ng mga siyentipiko at mga nakagapos at umiiyak na lalaki.
Hawak-hawak ni Miguel ang isang librong puno ng mga litrato ng mga planeta. Hinahaplos niya ang mga litrato habang nakatindig sa harapan ng bintana at taimtim na minamatiyagan ang kanilang pag-usad tungo sa madilim na kawalan. Ilang sandali na lamang at mararating na nila ang hinirang na destinasyon. Silang mga pasahero ng Marina 32, ay siyang magiging unang mga nilalang na makapapasok sa pinaka-matandang blackhole sa kalawakan.
Hindi gumagalaw ang nag-aalab na paningin ni Miguel sa kanilang pakay, tinititigan niya ito gamit ang mga mata niyang tila nanghahamok ng isang digmaan; di niya napigilang lamukusin ang kanina’y hinahaplos na mga litrato.
Sa kabilang silid, magkahalong poot at kaligayahan ang sabay na nararamdaman ni Felipe, habang walang tigil niyang sinasakiyan ang labing-anim na taong gulang na sundalo. Pinisil niya ang mga bisig nito dahil sa malubhang pagnanais sa katawan ng binata. Wala namang magawa ang binatilyo, sapagkat ito ang trabaho niya.
At sa laboratoryo nag-susumigaw si Juliana, dahil sa galit na pumupuno sa kaniyang dibdib dulot nang kahinaan ng kaniyang mga eksperimento. “Sige lakasan pa ninyo ang kuryente! Damihan pa ninyo ang droga! Wag makararamdam ng awa, di sila mga tao!” ito ang paulit-ulit niyang isinisigaw sa mga masunurin niyang tauhan.
Silang tatlo, at ang buong Marina, ay pare-parehong walang kamalayan sa nagbabadiyang delubyo…
Isang malakas na ungol ng tambuli ang narinig ng buong Marina. Nawalan ng kuryente ang buong sasakiyang pangkalawakan, binalot silang lahat ng kadiliman.
Tumigil si Felipe at lumingon sa madilim na paligid. Minura ni Juliana ang mga tao sa laboratoryo na hindi niya nakikita. Nakatayo lamang si Miguel sa dilim, naka-kapit sa nilalaman ng kaniyang bulsa, at bumubulong sa sarili, “Nag-simula na. Nakapasok na tayo sa walang hanggan.”
Sa labas ng bintana, napansin ni Miguel na mayroong bagay na numumuti sa gitna ng kawalan, na kung saan patuloy na nilalapitan ng kanilang sasakyan. Biglang bumalik ang mga ilaw. Nakarinig siya ng malakas na sigaw.
“Sira ulo!” Kinagat si Felipe ng sundalong kasama niya sa silid. Tumayo siya at lumayo sa lalaki. Nagulat siya nang makitang namumuti na ang mga mata nito at bumubula na ang mga bibig.
“Anong nangyari sa iyo, bata?!” takot na tanong ni Felipe.
Hindi umimik ang sundalo. Tinitigan lamang siya nito ng masama at umangil.
Nagsimula ring magkagulo sa laboratoryo. Biglang nakawala sa mga gapos ang mga eksperimento. Isa-isa nilang inatake ang mga siyentipiko. Tumawag si Juliana ng tulong sa mga sundalo, ngunit walang sumasagot. Sinubukan niyang lisanin ang silid, ngunit hindi bumubukas ang pinto. Nakulong siya kasama ang mga nagwawala at galit na galit na mga taong pinahirapan niya.
Sa harapan ni Juliana, nakita niya kung paano kuryentehin, hiwain, at pugutan ng ulo ang kaniyang mga kasamahan. Nakita niya kung paano buhatin ng isang eksperimento at lunurin sa isang timba ng kemikal ang apo ni Niña; nakita niya kung paano ito umiyak at humingi ng tulong habang unti-unting nilulunod. Wala siyang nagawa at nagtago na lamang siya sa isang sulok. Pinilit niya ang sarili na huwag maiyak para hindi marinig ng mga eksperimento.
Mabilis naman na lumabas si Miguel sa kaniyang silid. Nakita niya ang isang babae na ginugulpi ng isang nababaliw na sundalo. Nilabas niya ang nilalaman ng kaniyang bulsa at binaril ang sundalo. Nilapitan niya ang babae.
“Sumunod ka lamang sa akin, di kita pababayaan.” wika niya.
“Ngunit nagkakagulo na po ngayon sa buong Marina. Nababaliw at nananakit na lang po bigla ang karamihan sa populasyon. Paano po tayo maliligtas?” tanong ng babaeng umiiyak.
“Hindi mo ba ako nakikilala?” tanong ni Miguel, “Ako ang heneral ng pinaka-malaking hukbong pangkalawakan ng ating lahi, na sumakop sa libo-libong planeta sa iba’t ibang kwadrante. Ang kakayahan kong umisip ng taktika ay hindi napapantayan. Kaya tumayo ka riyan at sumunod sa akin. Hahanap tayo ng solusyon sa nagaganap na gulo.”
Tumakbo ang dalawa tungo sa pangunahing silid ng Marina, kung saan maaari nilang pamahalaan ang buong sasakiyan. Sa bawat pasilyong dinaraanan nila, pinapaslang ni Miguel ang mga nababaliw na tao. Pagdating nila sa pangunahing silid, nagulat silang dalawa. Nakita nila ang mga tao na lumulutang at marahas na nanginginig. Sumisigaw ang mga ito ng saklolo habang unti-unti silang sumusuka ng dugo. Walang magawa si Miguel sa mga nangyayari. Lumingon siya sa kaniyang gilid at nakitang lumulutang na rin ang kasama niyang babae.
“Kapitan!” sigaw nito.
Biglang sabay-sabay na sumabog ang mga lumulutang na tao sa silid. Naligo ng dugo si Miguel at ang lahat ng kagamitan. Nagalit siya at sinuntok ang pader. Tumingin siya sa harapan at nakita sa malaking bintana na unti-unting lumalapit sa kanila ang puting bagay na nakita niya sa labas ng Marina. Hindi niya ito inintindi at lumakad siya tungo sa pangunahing kompyuter ng sasakiyang pangkalawakan. Ngunit habang papalapit siya, biglang yumanig ang buong Marina; at mula sa likod niya, siya ay nataga ng isang matulis na bakal. Bumaon ang mahabang bakal sa kaniyang tagiliran at sa sahig. Hindi siya makaalis sa pwesto.
“Putang ina!” sigaw niya sa sarili. “Puta, hindi ako mamamatay ng ganito…“
Matapos putulin ng sundalo ang kaniyang daliri, nagawang sipain ni Felipe ang nababaliw na lalaki palayo sa kaniya. Tinignan niya kung paano pumulandit ang dugo mula sa nawawala niyang palasingsingan. Tinignan niya ang kaaway at nakitang gumagapang na ito sa kisame at umiikot ang ulo. Lumundag ang nababaliw na sundalo at kinagat siya sa leeg. Mariin na bumaon ang kagat. Pilit niyang tinutulak palayo ang sundalo, ngunit parang buwaya, nakapinid na ang mga panga nito sa laman niya.
Hinugot ng sundalo ang mga ngipin nito mula sa leeg ni Felipe. Napahawak si Felipe sa leeg niya at napansing nakuhanan ito ng laman. Tinitigan niya ang sundalo at nakitang kagat-kagat nito ang natapiyas na parte ng kaniyang leeg. Napaluhod siya sa sahig at muntik-muntikang mawalan ng malay. Lumapit ang sundalo sa kaniya, nang bigla niya itong paluin ng paborito niyang radyo. Tumumba ang sundalo. Hinampas ni Felipe ang mukha ng sundalo hanggang sabay na masira ang dalawa. Nanghihina siyang lumabas ng kwarto. Hawak-hawak niya ang dumurugo niyang leeg at paika-ikang gumagapang sa mga pasilyo ng nasisirang Marina.
Dahil sa naganap na pagyanig, nasusunog na ang laboratoryo. Si Juliana na lamang ang buhay habang pinapanood masunog at maging abo ang mga kalansay ng kaniyang mga kasamahan at mga eksperimento. Pinapanood niya kung paano balutin ng apoy ang minamahal niyang silid. Kumuha siya ng tanke ng oksiheno at ginamit ito upang makahinga sa makapal na usok. Umiiyak siya mag-isa at nawawalan na ng pag-asang mabuhay.
“Bakit ba nangyayari ang mga ito?” tanong niya sa sarili. “Ito na ba ang kapalit ng aming paglalakbay?” Tinitigan niya ang nasusunog na buto ng apo ni Niña. “Ito na ba ang tinatawag nilang impyerno?“
“Nananawagan sa lahat ng buhay pa.” Nagulat si Juliana sa kaniyang narinig.
“Inuulit ko, nananawagan sa lahat ng buhay pa.” Napansin ni Juliana na nanggagaling ang boses sa kaniyang manggas.
“Ako si Kapitan Miguel, ang kumandante ng Marina 32. Maaaring sumagot ang lahat ng nabubuhay pa. Pindutin ninyo lamang ang mga manggas ng inyong uniporme upang makapag-usap tayo.”
Mabilis itong sinunod ni Juliana, “Kapitan Miguel, si Juliana ito, ang punong tagapamahala ng mga laboratoryo. Nabubuhay pa ako ngunit nangangailangan ng tulong. Nakakulong ako ngayon sa laboratoryo na unti-unting nilalamon ng apoy.”
“Wala nang makatutulong sa atin.” wika ng pangatlong boses. “Ako si Felipe Cunanan, ang tagapangasiwa sa lahat ng komunikasyon dito sa Marina. Narito ako ngayon sa silid ng mga bantay. Nakikita ko sa mga kamera at mga sensor na tayong tatlo na lamang ang buhay. Si Miguel ay nasaksak ng bakal at hindi makakilos; at hindi ko naman kayo mapupuntahan sapagkat nauubusan na ako ng dugo rito.”
“Tarantado!” sigaw ni Miguel. “Bakit ba nagkaganito ang Marina, ano bang nangyayari sa atin?”
“Nasa loob tayo ng blackhole, Miguel.” sagot ni Felipe, “Dito sa loob, hindi na gumagana ang mga nakasanayan nating pisika sa labas. Dito sa loob, maaaring mangyari ang anumang pangyayari, kahit na labag ito sa batas ng uniberso.”
Tumahimik ang tatlo.
Lumingon si Miguel sa bintana at napansing malapit na sila makarating sa puting bagay sa labas ng sasakiyan. “Nakikita mo ba sa mga kamera ang bagay sa labas, Felipe?”
“Nakikita ko. Marahil yan na ang tinatawag nilang singularity.” sagot ni Felipe, “Hindi umiiral ang konsepto ng oras sa loob ng isang blackhole, maaari tayong mapunta sa nakaraan o sa hinaharap. Palagay ko, ngayong sandaling ito, patungo tayo sa sandaling nilikha ang uniberso. Bago magkaroon ng kahit na ano, singularity lamang ang umiiral. Ito ay lupon ng lahat ng bagay na maaari at di maaaring mangyari. At dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang singularity na ito ay lumawak sa anyo ng isang pagsabog, at mula rito isinilang ang ating kalawakan.”
Tumawa si Juliana.
“Bakit ka natatawa, Juliana?” tanong ni Miguel.
“Naaalala ko kasi ang mga kwento sa akin noon ng mga lolo at lola ko.” sagot ni Juliana, “Sinasabi kasi nila, noong unang panahon daw, naniniwala tayong mga tao na ang mga diyos ang lumikha sa daigdig. Naisip ko lamang, marahil diyos nga ang may gawa ng paglawak ng singularity.”
“Malabong teorya ngunit hindi imposible.” sagot ni Felipe, “Sino nga naman ba makapag-sasabi kung paano nag-simula ang lahat kung wala pa namang nabubuhay noon?”
“Mayroon kaming sinirang sibilisasyon dati na pinaniniwalaan naming nagmula sa ibang dimensyon.” wika ni Miguel, “Ayon sa kanila, apoy raw ang pinagmulan ng uniberso. Init ng loob, apoy ng karimlan, sa pag-alab ng pangunahing dagitab ng paglikha, nagningas ang lahat ng nalalang.”
“At naniniwala ka ba rito, Miguel?” tanong ni Felipe.
“Marahil…”
Isang nakabubulag na liwanag ang bumalot sa Marina. Sa isang iglap, naramdaman, nakita at naranasan nilang tatlo ang lahat ng mga bagay na nangyari, hindi nangyari, at hindi pa nangyayari sa buong uniberso. Lahat ng kaalaman, lahat ng naganap, lahat ng impormasyon ay dumaloy sa kanilang mga payak na katawan. Umikot ang kanilang mga paningin at tila ba nahiwalay ang kaluluwa nila sa kanilang katawan. Nakikita nila ang kanilang sarili at ang lahat ng posibleng mangyari sa kanila. Nakarating na sila sa singularity.
Lumulutang silang tatlo sa isang puti at walang hanggang kawalan. Sunog ang kanilang utak at paralisado ang buong katawan. Ang Marina at ang lahat ng sampung bilyong katao ay naglaho na; silang tatlo na lamang ang natira.
Sa kalayuan mayroon silang napansin. Isang nilalang, na kasing laki ng sampung nebula, ang lumalangoy mag-isa sa kawalan. Tinititigan sila nito gamit ang mga mata nitong hindi umiiral.
“Isang dikya?” pagtataka ni Miguel sa sarili, “Ngunit hindi, hindi ito dikya. Isa itong dragon…”
Lumangoy ang nilalang papalapit sa kanila.
“Hindi ito maaari, kaming tatlo ang inatasan upang makabalik ng buhay ang Marina. Hindi dito matatapos ang paglalakbay ko…“
Pinilit gumalaw ni Miguel, ngunit sa dimensyong kinalulugaran nila, hindi na gumagana ang anumang nalalaman niya.
“Bakit dito? Ano itong bagay na lumalangoy sa harapan namin? Ito na ba ang katapusan? Ito na ba ang katotohanang naghihintay sa amin?”
Mula sa likuran ng nilalang lumabas ang walang hanggang galamay. Winagayway ng nilalang ang mga galamay nito, kung saan lumabas ang kahit na anong posibleng lumabas.
Nanlaki ang mga mata ni Miguel, “Alam ko na kung ano ito!”
Biglang pinalibutan ang tatlo ng mga galamay ng nilalang. Pumasok ang di mabilang na mga galamay sa lahat ng butas na matatagpuan sa kanilang katawan. Mula sa mga galamay, dumaloy ang mga binhi ng paglikha. Hinulma silang tatlo ng nilalang at pinag-isa ang kanilang anyo. Mula sa kanilang pinagsama-samang sinapupunan, namuo ang isang budhi. Isang budhing puno ng poot, galit, at labis na hinanakit. Nilamon ang kanilang pagkatao ng budhing ito. Biglang lumiwanag ang kanilang katawan na hindi matutumbasan ng anumang bituin. Lumiit sila at natipon sa isang tuldok. Nang hindi na nila nakayanang pigilan pa ang budhi, sila ay sumabog ng kagila-gilalas.
Si Juliana ay naging lawak at puwang.
Si Felipe ay naging resulta at dahilan.
Si Miguel ay naging bagay at paksa.
At sa huling sandali ng kanilang pangtaong kamalayan…
Apoy – ito ang huli nilang naramdaman.