(A) Lisan

Paalala sa kaibigang lumisan
Nawa’y iyong paglalakbay ay marahan
Sa himpapawid, ulap, at kalawakan
Tatandaang hindi madalas ang minsan
Sapagkat mabilis ang ikot ng mundo
Matulin ang hakbang ng bawat segundo
Kaya’t magbagal at pakinggan ang puso
Pagkat ito ang gabay kung san tutungo
Sa iyong pagbabalik sa mga tala
Sa mundo’y maiiwan ‘yong alaala
Mga kaibigan mo’y di mawawala
Mga kukumpleto sa’yong parirala
Pikit na ang mga mata
Nang sa muli nating pagkikita
Tayo ay muling gagala
Sa ibabaw na ng mga tala
Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.