Yun pa lang konsepto ng Design ay parang Mathematics.
Isa sa mga nerdy hobbies ko ay ang mag-research about Films, UI/UX, at Industrial Design.
Pero recently, nasa malalim na rabbit hole ako ng Architecture.
At noon ko lang narealize na yung design principles pala between all these different fields ay iisa.
Gaya ng kung paano natin ginagamit yung open spaces to redirect attention sa websites ay ganon din ang gamit sa pag design ng layout ng bahay.
Madaling isipin na ang industriya ng films, software, architecture ay libo-libong milya ang pagitan sa isaβt isa, pero ang totoo, lahat ng fundamental principles nito ay nag ooverlap na parang balat ng suman.
At parang matematika na ginagamit sa mundo ng engineering, physics, at finance.
Ganon din ang Design Principles – ginagamit upang lumikha ng mga magagandang produkto, mapa-mobile app man o simpleng bahay kubo.