Bakit Dapat Ka Mag-Kwento

 

Makapangyarihan ang mga kwento pagkat pinaiikot nito ang mundo.

Bawat galaw, bawat desisyon, lahat ay nagmumula sa mga kwento.

 

Sa kung paano natin bilhin yung mga di naman natin kailangan dahil na-budol tayo ng kaibigan natin.

Sa kung paano mag adjust yung mga Businessman dahil sa kwento sa likod ng mga Financial Statements.

Sa kung paano tayo lumikha ng mga makabagong Teknolohiya; buhat ng kwento ng mga experiments at mathematical equations.

 

Ang mga napanood, nabasa, at napakinggan natin ay ang magsasabi kung sino tayo.

Dahil ang kwento ng ating sarili ay ang kabuuan ng lahat ng kwentong naisalin sa atin.

 

At ang mga kwentong sinasabi natin sa sarili ay ang dahilan kung bakit tayo bumabangon sa araw-araw, nag-mamahal, at lumilikha.

Ang mga kwento ay tunay na makapangyarihan pagkat ito ang nagbibigay satin ng kakayahang makita ang mga Cathedral sa likod ng mga batong inuukit natin sa araw-araw.

 

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.