Anong gagawin mo kung hindi ka natatakot?
Normal lang naman sa tao ang matakot, lalo na kung may bago kang bagay na susubukan.
Mag-start ng business, mag-drop out ng college, umamin sa kaibigan mo na crush mo siya.
At sa dami ng scenario na kailangang i-consider, madaling maparalisa ng takot.
Analysis Paralysis eka nga.
Paano kung di mag work out? Paano yung global pandemic, yung impending financial crisis, katapusan na ba ng mundo?
But the thing about fear is that it cripples innovation.
Hindi natin makukuha yung rewards kung di natin haharapin yung risks.
Tulad ng di natin makikita itong sea of clouds kung di tayo aakyat ng 3rd highest peak ng Pilipinas.
Minsan sa kabila ng pangamba, the only good strategy is to just Move Forward.
Sa katunayan, motivation is the consequence of action, and not the other way around.
At lagi mong tatandaan, na kahit malabo man ang daan sa hinaharap, as long as humahakbang ka
eventually magtatagpo ang lahat ng landas sa destinasyong hinahanap mo.
Pagkat, malalaman mo lang naman talaga ang halaga ng lahat ng iyong ginagawa
Kung nakarating ka na sa iyong pupuntahan.
Wag kang maghihintay na may magsabi sayo kung qualified ka na o hindi pa.
Kasi wala naman talagang taong naging truly qualified to do anything new.
Yun ngang nag imbento ng eroplano, hindi naman siya piloto pero nagawa pa rin niyang lumipad.