The Mind is Malleable

 

Alam mo bang hindi ka tanga?

Madalas sumagi sa isip natin ang mga salitang hindi ko yan kaya, wala akong utak.

Pero sa totoo, tayo lang din naman ang nag lilimita sa sarili natin gamit ang mga labels.

Artist ako kaya hindi ako magaling sa numbers.

Mahiyain ako kaya di ko kaya mag present sa ibabaw ng stage.

But don’t get me wrong, labels are good.

Kasi bukod sa ito yung nagdedefine sa malabo niyong relasyon; ito rin yung nag sisimplify ng mga komplikadong bagay dito sa mundo

But we have to be careful kasi too much labels are limiting.

May tendency tayong ikahon ang sarili natin, at posible nating makalimutan na kaya pala nating maging mas higit pa kumpara sa tingin natin sa sarili.

 

Kasi kaya naman talaga ng utak matutuhan ang kahit na ano.

Pagkat lahat naman ng knowledge ay iisa.

Information, Memory, lahat ito ay pawang mga synapses lang sa utak natin.

Mga chemically induced electrical signals na bumubuo sa ating isip.

Tao lang naman talaga ang nagbibigay ng label sa mga bagay at tao lang din ang nag-dedefine ng kaniyang sarili.

Any artist can be a mathematician.

Every gym rat can be a musician.

Wag mong ikahon ang sarili mo sa bansag ng nanay mo sayo,

Sa tukso ng mga kalaro, o sa resulta ng mga pagsusulit.

Kasi as long as handa kang matuto, kaya mong maging kahit na anong gusto mo.

Tandaan mong hindi rigid ang utak, pagkat the mind is malleable.

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.