Itutok Ang Sigarilyo Sa Bunganga

Hilahin ang yosi sa bulsa

Hahatiin sa dalawa

Hihithitin ang isa

Ngunit wala nang makikihati

Pagkat ika’y lumisan na

 

Ang mga usok na binubuga

Iniluluwa kasabay ang alaala

Ang dating nagbabaga

Ngayon ay nanlalamig

Upos nanunuyo sa bunganga

 

Sinindihang dulo ng sigarilyo

Doon hihigop ng taos puso

Para baga tumagos gang puso

Hithit buga, kalabiting mabuti

Yosi sa labi, munting gatilyo

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.