Ako’y nag-iisa, nag-iisa ako
Hindi dahil sa wala akong kasama
Kundi dahil kasama ko kayo
Kayo, Ikaw, Kasama kita
Kayong mga tao na
Walang kamalay-malay sa
Aking nadarama
Kayo, Tayo, Sila
Tayong mga naglalakbay
Sa kani-kaniyang landas
Tayong mga taong umay na umay
Sa mga pansariling problema
Tayong lumilipad ng magkakasama
Ngunit bingi sa huni ng bawat isa
Akala ko, kung paliligiran ko
Ang sarili ng mga tao
Ay hindi ako magiisa
Ngunit nagkakamali pala
Ako
Pagkat mas nadarama pala
Ang pagkukulang
Kung mayroon kang
Pagkukumparahan
Kung ikukumpara ang sarili mo
Sa mga taong katulad mo
Mga taong nagiisang naglalayag
Sa dagat na ang tawag
Ay sangkatauhan
Kay rami-rami nga ng tao sa mundo
At di sila nagkulang kailanman
Na ipadama sa akin, sa iyo
Ang kawalan ng kabuluhan
Ng ating indibidwal na pagkatao
At sa araw-araw na kasama ko sila
Sa bawat umagang kapiling ko kayo
Araw-araw din akong nagiisa
Ako, Ikaw
Nag-iisa Tayo