Kararating lamang ng sugo ng parokya, nagkagulo ang buong mag-anak. Inayos nila ang bahay. Ginising ng matatanda ang natutulog pang mga bata. Bumangon ang mga paslit at isa-isang nagulat nang makita ang pari na pumasok sa kanilang tahanan. Mula sa suot nitong mahabang manggas ay naglabas ito ng maliit na bote ng alkohol. Isa-isa niyang binasa ng dinasalang tubig ang bawat sulok ng tahanan. Pagkatapos, kinuha niya ang kaniyang bibliya mula sa kaniyang bulsa. Tinignan niya ang aklat, at nagpakawala siya ng maikling panalangin upang mapatotoo ang pagbabasbas. Laking tuwa ng mag-anak nang sa wakas ay nabendisyunan na ang kanilang munting tahanan. Inabutan ng pamilya ang pari ng sobreng naglalaman ng pera. Umalis ang alagad ng Diyos na may ngiti sa mga labi. Sa wakas at may maipambibili na siya ng kaunting makakain sa nagugutom niyang panganay.
Lahat sila ay masaya.