Quiet Quitting

 

Nauuso ngayon yung Quiet Quitting;

Kung saan pinipili ng mga taong bawasan yung effort nila sa trabaho para magkaron ng work-life balance.

Hindi naman bago yung concept, dati ang tawag natin dito ay “Petiks.”

 

Pero ngayon dahil sa internet, madali nang makumpara ng Labor Market yung stress at compensation sa iba’t ibang companies.

At dahil dito mas alam na natin if worth it ba yung binibigay nating effort sa trabaho o hindi.

 

Pero is Quiet Quitting inherently good or bad?

Kasi totoo namang there is tremendous value in hardwork. Pero dapat natin maintindihan, na people will only work REALLY hard for things we find interesting.

 

Hard Work is a function of interest.

Sa totoo, wala naman talagang taong tamad. As long as we’re interested, kaya nating mag-focus ng ilang oras sa Netflix, mag-solve ng puzzles, at makipag-patayan sa digmaan.

 

Kasi ang tanging paraan para maabot ng sangkatuhan ang mga tala ay hindi ang pag-utos sa kanilang lumipad.

Sa halip ay ang pag-turo sa mga taong humanga, sa hiwaga ng kalawakan.

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.