Walang Hanggang Experiences

 

Anong mararamdaman mo kung ang lahat ng pwedeng mong isipin ay pwede nang ilikha?

 

Ito ay litrato ng Chocolate Hills sa Outer Space.

Ito naman ay mga influencer sa ibabaw ng Bulkan.

At ito naman ay digital rendering ng namayapa kong aso na si Macey.

 

Lahat to ay nilikha ng Dall-E, na isang AI na kayang mag-generate ng original images gamit lamang ang kaunting salita.

At habang pinaglalaruan ko ito, napaisip ako,

Kung meron pa bang novelty ang art kung kaya naman itong gawin ng isang AI?

Gayun din, meron pa bang novelty ang mga experiences

kung lahat naman ng gustong makita ay matutuklasan sa internet?

Sa panahon ngayon, mas madami ka pang malalaman at makikilala sa internet kesa pumasok sa iyong local college.

At sa dami ng pwedeng maranasan , madaling malunod ang mga utak natin sa daluyong ng walang hanggang impormasyon.

 

Kaligayahan.

Kalungkutan.

Takot.

Libog.

Pag-ibig.

 

Lahat ng pakiramdam, digitally iniinject sa utak natin.

At minsan nakapanlulumong isipin na sa kabila ng kagustuhan natin na

gayahin ang mga napapanood natin, mag-travel, kumain, at lumipad.

 

Alam natin deep down na hindi nilikha ang mga tao upang maransan ang lahat-lahat.

Kaya sana, bago mong tangkain na danasin ang buong mundo,

subukan mo muna sanang danasin ang sarili mo.

Pagkat sa mundong to, sa mundo ng walang hanggang experiences,

Ang tanging sapatos na maisusuot mo lang din naman sa huli,

ay ang sa iyong sarili.

Yno Andrei Calamiong
Yno Andrei Calamiong

Just trying to build Businesses, Technologies, and Good Stories.